ANg Nowrooz(No-rooz) ay isa sa pinakamahalagan pagdiriwang sa Iran nangangahulugan na Bagong Araw sa wikang Farsi. Ito ang bagong taon na nagsisimula sa unang araw ng tag-sibol.Taon taon itong ipinagdiriwang sa halos mahigit tatlongdaang taon(300) simula pa noong kapanahunan ng Zoroastirismo kung saan ang dating pangunahing relihiyon ng Iran.
Hindi lang sa Iran ito naging bahagi ng pagdiriwang kundi sa mga karatig bansa tulad ng Afghanistan, Azerbaijan, Turkey, Uzbekistan, Pakistan, Georgia, Iraq, Tajikistan, Syria, Armenia at India. Hindi pinag-uusapan sa okasyong ito kung ano ang relihiyon dahil ang bawat isa ay pinapayagan ipagdiwang ito maging Muslim, krsitiyano, Hudyo, Bahai o ano pa man paniniwala Malaya bawat paniniwala na magsaya na pantay-pantay.
Ang Nowrooz ay hindi lang sumisimbolo sa pagsisimula ng Tagsibol, kundi ang bagong buhay, ang pagmulat ng kalikasan ang masama at mabuti. Tumatagal ang pagdiriwan ng Nowrooz ng halos labingtatlong araw na nagtatapos sa pagtitipon tipon ng pamilya, pagpunta sa tabing dagat o parke..
Sa aking mga kaibigan sa Iran, hindi man ninyo mababasa o maiintindihan ang mga isinulat ko. Taos puso akong bumabati sa inyo ng HAPPY NOWROOZ , Ang ilang panahon na pamamalagi ko sa inyong bansa ay napakagandang karanasan kasama na dun ang malungkot at masasayang araw.
Hangad ko ang kapayapaan, kasaganaan at bagong pag-asa sa inyong lahat.

No comments:
Post a Comment