Wednesday, March 17, 2010

Hangad ko lang.......

Bakit may mga taong sarado ang isipan sa pananaw ng iba, ang gusto lang ay ang pananaw nila at kung magsalita ay parang tama at perpekto sila. Naturingang matalino pero sarado ang isip, naturingang magaling magsalita pero wala naman nagagawa, naturingang popular pero sa panlilinlang.

Sana sa darating na eleksyon hindi maakit ang mga pobreng masa sa mga taong nagkukubli sa tunay nilang kulay, sa tunay nilang anyo, ang mabangis na hayop ay nagkukunwari at nag-aanyong mabait kapag gustong makalapit at makasilo ng kanyang pagkain. Huwag masilaw sa matatamis na salita dahil baka ang tamis na iyan ay hanggang sa lalamunan lang at mapait na ito sa ating tiyan....
Ang gobyerno ay tayong mamamayan hindi ang iilang tao na nagpapatakbo nito. Lumagay tayo sa legal at huwag magpapaniwala sa mga ilegal na nagkukunwaring kakampi natin baka balang araw ito ang magpahirap sa atind sampung ulit pa ng kahirapan natin ngayon............

No comments:

Post a Comment