Thursday, December 17, 2009

Makulimlim na Sentemiyento

Makulimlim ang langit bagamat walang pagbabadya ng ulan nakakulambong ang ulap sa araw, at tila di natitinag sa ihip ng malamig na hangin mula sa dagat ng persia, matatapos na ang ang tag-lagas at unti-unti nang nararamdaman ang dapi ng tag-lamig. Kailan kaya magkakaroon ng niyebe dito sa disyerto?
Hindi malungkot ang araw pero pakiramdam ko matamlay ang paligid, siguro dahil sa pangungulila sa minamahal sa buhay kung saan palaging sumasagi sa isip. Patuloy ang pag-usad ng buhay, lumilipas ang maghapon at nagtatago ang araw sa likod ng gabi, habang ang pobreng manggagawa ay namamaluktot sa kanyang maiksing kumot upang maibsan ang ginaw na nanunuot sa himaymay ng laman. Walang tunog ng kampana at mga saliw ng pamaskong tugtugin kundi ang nakakabinging katahimikan na umiikot sa bawat sulok ng kuwartong masikip.
Habang ang mga mahal sa buhay ay umaasam ng ipapadalang pera at bagahe ngayong pasko mula sa kanilang mahal sa buhay sa malayong lupain, patuloy na nangangarap at nagmumuni-muni ang pobreng manggagawa sa magagandang pangarap at adhikain para sa kanyang mahal sa buhay na sa kanya'y umaasa at naghihintay. Sa kabilang banda meron naman pamilyang nagtitiis dahil ang kanyang magaling na asawa ay walang pakundangan at hindi pinapahalagahan ang kanyang pinagpawisan kung saan ipinapatalo lamang sa huwego at pambababae, ganun din sa walang kapapararakang pakikipaghuntahan sa telepono pero hindi magawang matawagan ang totoong mahal sa buhay.
May isa pang mukha ang nasa ibayong dagat, tulad ng mga babaeng dahil yata sa di nakukuntento sa maliit na sahod kung saan kanila naman pinag-isipan bago tanggapin ay nakakagawa ng mali para lamang madagdagan ang sentimong kikitain at malaki ang maipadala sa pamilya. Nakakalungkot isipin pero ito ang tunay na mukha ng buhay naming mga OFW,
Mapalad iyong maayos at matiwasay ang nagiging trabaho pero nakakalungkot naman sa ibang sawing palad.
Kung hindi sana nakalugmok sa kahirapan ang ating bansa, kung hindi sana tayo napapalibutan ng mga burgis at sakim na pinuno at kung may pagkakaisa sana tayong mga Pilipino, kung tayo sana ay marunong kumilala ng kapwa natin kalahi sana tulad din tayo ng ibang lahi na mahal ang kanilang pagkatao, nakaraan, kulay at bansa, sana bansang buo din tayo at nabubuhay ayon sa ating lakas at yaman hindi na kailangan pang magpatulo ng pawis at maranasan ang pangungulilang napakalaon para lamang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang pamilya.
Ang matinding kolunyalismo at impluwensya ng mga dayuhan ay tila baga napakasarap na pagkain na hindi matanggihan natin, Sa mga tugtugin, sayaw, libangan at pagkain, sabi nga ng bagong henerasyon kailangan sumabay sa panahon. Sa aking palagay habang tayo ay nagpapakahirap gumaya sa ibang lahi palihim naman tayong inaalipusta at pinagtatawanan dahil sa minsan ay kagaguhan, saan ka naman nakakita na napakainit ng panahon ay nakasuot ng jacket at balot ang leeg ng bandana, masabi lang may porma. kasabay ng mga pagsikat ng ilang awitin ng tsina ganun din ng korea kahit di naiintindihan patok sa radyo ang request dahil maganda daw??? Gayun halos ikahiya ang pinoy na awitin dahil bakya at baduy.
Nasaan na ang mga awiting kundiman, ganun din ang katutubong sayaw na madalas kong mapakinggan at mapanood noon? wala na at isa pa, kilala pa kaya ng ating kabataan ang atin mga bayani? o baka ang mga artista ang kilala nila? nagagawa pa kayang ipakilala ng mga bagong guro ngayon kung sino at kung ano ang ating kasaysayan at mga taong nagtanggol at nagbuwis ng buhay para sa ating ngayon?
Ngayon wala na ang mananakop, pero patuloy pa rin tayong sinasakop ng pagiging makasarili at sakim na idolohiya ng ilan natin kababayan, Anong mapapala mo kung ang kapwa mo Pilipino ang iyong kinakalaban? habang nagsisisigaw sa kalye at nagpapakasentimiyento para daw sa bayan. ang iyong pamilyang iniwan sa bahay ay nagpapalahaw sa iyak dahil sa gutom. Samantalang ang pinuno daw ng samahan at rebulosyon ay nagpapahinga at nagpapasarap sa kanyang mansyon at nilalantakan ang buwis na nakulekta ng mga alipores sa hikahos at nagdarahop na masa.
Hay! ang buhay, puro na lang sentimiyento tulad ko.. ganito na nga yata tayo isinilang para magreklamo.he,he,he
Gayun pa man masaya ako dahil naibulalas ko ang nararamdaman ko hindi tulad ng iba may busal at piring dahil ayaw marinig ang kanilang hinaing. Magandang araw at maligayang pasko....

Wednesday, October 21, 2009

Ang panganorin at ang Lupa

Kahit anong taas pala ng panganorin sa langit ito ay bumababa at humahalik sa lupa. Tulad din ng ulan sa panahon na ito ay bumigat sa loob ng mga panganorin pumapatak ito at nahuhulog din sa kalupaan.
Ganun din ang tao kahit anong taas iisa lang ang hantungan, ang paghimlay sa lupa. Bakit pa tayo magpapagal, bakit kailangan ubusin natin ang oras para sa mga bagay na nagpapabawas ng kaligayahan natin kung sa darating na panahon ay iiwan lang natin ito sa iba? bakit may mga taong sa kabila nang kanilang karangyaan at kasaganaan sa buhay tinitiis ang sarili huwag lang mabawasan ang kayamanan. Masaya siya na nakikita kung ano ang kanyang nakamit pero tingnan mo ang kanyang katawan payat at tila sakitin.
Huwag natin sayangin ang buhay sa mga bagay na akala natin ay ang tunay na kaligayahan, pero sa likod pala noon ay ang pighati at kalungkutan bago natin lisanin ang daigdig. Masakit sa loob na sa oras bago tayo lumisan ay marami tayong tanong at panghihinayang na kahit kailan ay hindi na natin makakamtam.
Lagi kong sinasabi magsaya kahit sa maliit na bagay at huwag kakalimutan na mahalin natin ang ating pamilya dahil sa bandang huli sila ang tatabi sa atin sa oras na sila ay ating kailangan.

Saturday, October 17, 2009

Mga Tanong na Mahirap Sagutin

Halos lahat siguro ng tao ay hindi iniisip ang KAMATAYAN bagama't ito ay nakalaan para sa atin. Sa pagdaan ng mga araw ang isipan ng bawat nilalang ay nakatuon sa mga bagay na pangunahing pangangailangan para mabuhay. Minsan mahirap isipin na habang tayo ay nagpapagal at nauubos ang oras sa pagtatrabaho hindi natin namamalayan na umiiksi ang oras at araw na ilalagi natin sa mundo. Sa patuloy na paglipas ng mga araw bigla natin mararamdaman ang mga panahong pinalampas natin at iyong mga bagay na nais natin magawa at makamit ay napag-iwanan na pala tayo.

Ano nga ba ang pinakamahalaga sa buhay? maraming pera, magandang bahay, maraming anak at mabuting ama o ina? Bagama't ang sagot siguro sa tanong ko ay depende sa kaligayahan natin, depende sa ating kakuntentuhan. Ang natitiyak ko lang ang salapi ay para sa materyal na pangangailangan at kaligayahan, pero ang para sa emosyonal na damdamin ay ang Pag-ibig. Maraming tao ang ikinukubli ang kalungkutan sa huwad na ngiti at halakhak. Pilit na pinagtatakpan ang mga kakulangan sa buhay ng mga naipapakitang materyal na bagay. Ngunit sa kaibuturan nang puso ay may itinatagong lungkot at panghihinayang.
Sabi nang mahirap mapalad daw ang mayaman dahil sagana sa pera at lahat ng bagay ngunit kung titingnan natin pare-pareho lang ang tao mayaman o mahirap ay may problemang hinaharap. Ang mayaman natatakot maghirap samantalang ang mahirap ay nangangarap yumaman. ha!ha!
Kailangan maging masaya tayo sa bawat araw na dumadaan maging maliit at sa simpleng bagay lang, dahil baka bukas at makalawa hindi na natin magawa ang ating nais gawin dahil kinuha na ang hiram nating buhay....

Tuesday, October 6, 2009

All That Glitters


All that glitters

Don't shed a tear,
For a man that doesn't care,
Don't waste that jewel,
For a man that doesnt value you,
Don't break your heart,
For his golden smile,
Which was not true.

He may be tall,With eyes so blue,
But he did not love you,
So why shed your tears,
For this man who torments you,
Don't break your heart,
For your love he did not deserve.

Why do you cry,For a man who did lie,
Don't waste your precious time,
On someone who crippled you inside,
Why feel the pain so deep,
For a man so shallow as he,
Just let your soul be.

Don't weep for someone
Who your love did not behold,
someone whose beauty was only skin deep,
Don't hurt for all those words,
That were in vain,
They say all that glitters,
Is not gold,
Surely now you know why you were told.

But shed a tear,
For a man who you lose,
That was so good and true,
Who demanded nothing of you,
Not even a kiss or a smile
A man that was a true jewel,
You did not see his love for you.

Weep for a man,
who was so wise and walked beside you,
As your friend so true,
His inner beauty you did not see,
Until your soul from pain was free,
Why did you not give him your love,
For his loss your heart should break,
But you did not know,
Until it was too late.

Ravina

Untold Love Story by Yagmur


She wanted to marry a man whom she loved. She dreamt wearing a white wedding dress, that there would be a big ceremony, lots of people would be invited and they all would congratulate her, chant merry songs and throw flowers and confetti at her. Yes there was a ceremony, but it was not her wedding. She was dressed in white but that was not her wedding gown. Lots of people came to the party but they came to curse her and to throw stones at her. No music was played and no merry songs were sang; only screams of Allah-u-Akbar filled the air. The only hug she got was from the cold earth in which she was half buried. The only kisses that she received were from the rocks thrown at her that tore her flesh and broke her bones. They were the kisses of death. She was not united with the man whom she loved but was wed to death.
This was a tragedy for my sister’s young lover. His life lost its meaning. He got lashes but nothing more. He could well forget about the whole affair and get along with his life, but he didn't. I recall seeing him standing in front of our house every day, as if waiting for my sister to come out and meet him. I could see him crying. I can only imagine that when he was not crying in front of our house he was in the cemetery, crying over the grave of his love and his baby. One day he could no more bear his pain and hanged himself.
His death was hushed and no one talked about it. Maybe no one cared. He was reunited with his love and his baby. No one can hurt them anymore. No one can separate them from one another again.
It is a sad story. But unlike the story of Romeo and Juliet it is a story that is never told. No one talks about those young lovers. No one sheds tears for them. Not only they were buried, their memories were also buried as if they never existed - their tender love was a shame to others - a shame that had to be washed with blood.
But the saddest part is that according to Islam my sister deserved that death. The elders were sure she would be burning in Hell for eternity. No, I can't imagine that God can send someone to Hell for loving and for being happy. I can't accept a cruel God.

____----****O****----____
Now back to my life. When I turned 18, I was married off to a Turkish businessman from Germany. When I came to Germany I found out that he had another wife.
He is not a bad man at all. He is very kind, but he is a Muslim. He doesn’t understand why Europeans don’t like polygamy, for instance. He doesn’t allow us to leave the home. He protects our honour in this strange way.
Then we moved to the UK. Here we are even more isolated than in Germany because there are fewer Turks. In Germany we at least could meet our fellow expats.
As for my relationship with my husband's first wife, we are friends. There is some rivalry between us, that’s for sure. But I am alone and can’t meet anyone or leave home. Her life is just as dull and empty as mine. We can’t hate each other; we should be friends to overcome our troubles. My co-wife and I are like two cellmates. We only have each other. There is not much room for antagonism or hard feelings.
I have 5 children, she has 4. She occupies a more privileged position within our family because she has a son. I have given birth only to daughters so far.
We are both educated, but she is so obsessed with kids that she has given herself up. I am still trying to grasp at non-existent straws; probably one day I will be freed… I read books, keep myself informed and like to think. She is not remotely interested in reading books or thinking. I am alone.
Sometimes I think of running away, but I have 5 daughters. I can neither leave them, nor run away with them. Actually, I am stuck.
Even though I left Islam a long time ago, I cannot stop praying or fasting. My husband keeps a rod for the disobedient…
When I try to protest, my mouth is shut up with quotes from the Quran. Islam defines our lives. Isn’t it stupid that people live according to a book written a long time ago?
I am not whining about my life but I do hate Islam. At least I could object to certain traditions but Islam preserved the worst in our culture, reducing women into slavery and keeping them ignorant. What can you expect from an uneducated woman?
When I look at my daughters, I pray that they may live in a free world, free from Islam and this slavery.
Ali, you promised to defeat Islam very soon, so please do it.
I know sometimes you must feel like giving up. It seems to me you’ve devoted yourself fully to the good cause of yours. You may feel at times that you will never succeed. I just want to say that you are fighting for women like me. When you despair, think of me and millions of women with similar tragic experiences. Never give up. You are my knight in shining armour. I just want you to know that I am your keen supporter.

_______________________-
Please sent this story to your friends and publish it in your site.
Yagmur Dursun is a pen name. Some details of this story have been changed to hide the identity of the author.

Monday, September 7, 2009

Courage to Move On


Courage To Move On!!

We had been together for many years,
Now all I can feel is fear.
I gave all that I could give,
It just wasn't the way you wanted to live.

You left without a backward glance,
Not even giving our love a chance.
You often wonders what I could have done,
To keep you from going on the run.

Now I am living all alone,
With nothing I can call my own.
I can barely make myself eat,
Wondering if my life will again be complete.

I am now moving along,
Building my courage, and becoming strong.
Time will heal my broken heart,
Toward the sunrise my heart will glide.


my friend email me this poem and I decided to published.

Thursday, August 13, 2009

IMAGE INSIDE THE MIRROR


Al Ahsa K.S.A.; 2002


IMAGE


When I take a glance on a mirror
I saw an image, first it was blurred
but when i focus my eyes, i recognized it's YOU
You're watching with a beautiful smile in your lips.

Your eyes twinkling like a stars lighting my vision.
I close my eyes for a while thinking that you're only illusion
But when I open my eyes again.....
you are still standing waving your hand to me

And saying come get my hand...
i thought again that i am dreamin'
but when i hold your warm hand,
I felt the touch of your kindness,

Then i realized you're the woman in my dream...

HIMALA


Al Ahsa March 2001


HIMALA


Sa pusod ng dilim tulad ko ay ningas
Nang isang gaserang aandap-andap
Sumasayaw-sayaw ang ningas sa malumanay
na ugoy ng malamig na hangin.

Hindi na halos makatanglaw sa pusikit na dilim
ang langis na sa aki'y nagbibigay buhay
Ngayo'y halos said na sa matinding pagsipsip
Nang kapirasong pranelang nagsisilbing mitsa.

Kagabi naging ilaw pa ako ng isang manunulat
Upang mabuo niya ang mga kuwento , tula't sanaysay
Ginamit din nya akong tanglaw sa kanyang hapag
Para sa espesyal na hapunan kasalo ang kanyang mahal.

Tinatalo na ako ngayon ng matinding liwanag
Nang mga naglalakihang bombilya sa katabing bahay
Mga sinag nito'y naglalagos sa butas-butas na dingding
Nang tagpi-tagpi't nakahapay kong barong-barong

Ngayon, ang ningas kong aandap-andap ay nakaluhod
Sa harap ng altar na puno ng mga rebultong kahoy
Nanalangin, bago man lang mapaling ang liwanag
Ay magmulat ang mga rebulto sa aking harapan

Bigyan ako ng HIMALA na maibalik sa akin
Ang dating lagablab na unti unting napapawi
Nang upang muling mag-alab ang apoy
Nang pag-ibig na nagbibigay lakas at buhay sa akin.

Buhangin


Isa pang kasaysayan ng pag-ibig pero puno ng duda at pangarap enjoy po kayo sa pagbabasa....


Ahsa 31982 KSA, March 2003


BUHANGIN


Alas singko noon ng hapon malamig ang simoy ng hangin sa tabing dagat ng Al Khobar nakaupo ako sa malaking tipak ng bato habang nakalubog sa tubig dagat ang aking dalawang paa, magandang pagmasdan ang mayuyuming alon na walang sawang humahampas sa break water. Tanaw na tanaw ko ang mahabang tulay na nag-uugnay sa Bahrain at Saudi Arabia. Ilang beses ko na rin natawid ang tulay na ito lulan ng bus. Sa Bahrain kasi ako sumasakay ng eroplano kapag umuuwi ng Pilipinas.Nakaagaw pansin sa akin ang ilang langay langayan na walang sawang palipad – lipad sa ibabaw ng dagat habang ang iba ay biglang bubulusok para sumila ng maliliit na isda. Naiisip ko kung puwede lang akong makisakay sa likod ng mga langaylangayan makikisuyo ako na ilipad at dalhin sa kabilang ibayo ng dagat.
Ang dagat ng Persia ang madalas kong pasyalan sa loob ng apat na taon kong pagtatrabaho sa silangang bahagi ng Saudi Arabia. May kalayuan ang lugar na pinagtatrabahunan ko katabing probinsya ito ng Al Khobar at mahigit limandaang kilometro ang layo. Namamasukan ako bilang EDP clerk sa isang malaking agricultural company sa Al Ahsa. Hindi ko pinapalipas ang mga pagkakataon na me biyahe ang aming shuttle bus sa Al Khobar . Ang pagpunta sa tabing dagat ng Persia ay nakakawala nang aking pagod at pangungulila sa tinubuang bayan.Ang pakiramdam ko’y nakakaisa ko ang kalikasan.Malaking bahagi ng buhay ko ang dagat ng Persia ito ang naging inspirasyon ko para mapaglabanan ang lungkot na nadarama ng tulad naming manggagawa na nakikipagsapalaran dito sa gitnang silangan. Bagamat ang dagat ng Persia ay walang pinag-iba sa ibang dagat talagang naging espesyal ito sa akin Matagal kong pinangarap na ito ay Makita at makadaupang palad. Maarok ang lalim at mapakinggan ang awit na likha ng mga alon nito. Ang dagat ang nagturo sa akin para maging positibo at mangarap na ang imposible ay maging posible. Ngunit ang dagat din ang nagpaunawa sa akin na kailan man mahirap itong maangkin dahil ang dagat ay para sa lamang sa karagatan na higit na malaki kesa sa kanya…

….Pebrero, 2003 pa ng huling tumambay ako sa dagat ng Al Khobar at tandang tanda ko pa huling araw na iyon.Habang nagmumuni-muni ako ay may biglang kumalabit sa akin. Hoy! andito ka pala ?Madalas kitang Makita dito paborito mong tamabayan ang dagat. Si Ka nards, Kaibigan ko at madalas kong nakakatagpo doon malapit lang ang tinutuluyan niya dito. Bagamat magkaiba kami ng probinsya pareho kaming Bicolano. Dalawampu't tatlong taon ang agwat niya sa akin pero naging matalik kong kaibigan si Ka Nards. Dalawampu't pito pa lamang ako noon at siya naman ay singkuwenta y dos. Medyo mukhang bata pa ito, masayahin ang mukha at kayumanging kaligatan ang kulay dala na rin siguro sa klima sa tabing dagat.Kayo pala Mang Nards, ngiti ko sabay sagot. namimiss ko po ang lugar na ito alam ninyo naman po ito ang takbuhan ko kapag gusto kung magrelaks. Habang inaabot ang patpat sa buhangin sabay pukol sa dagat. Bumuntong hininga ako at nagtanong, kay Ka Nards, Ano po ba ang nararamdaman kapag umibig? Nagulat ang matanda. Himala sa sa edad mong iyan di mo pa nararanasan ang umibig. Ha! ha! ha!. napatawa ito sa tanong ko.Hindi ako eksperto sa bagay na iyan ngunit ang relasyon ay tulad ng langay-langayan at dagat. Sambit ni Mang nards. Bakit po ninyo nasabi? pagtatakang tanong ko. Buddy, Magkaiba ang dagat at langay-langayan ngunit sila ay iisa. Inaalagaan ng dagat ang langay-langayan binibigyan ng pagkain pinapaliguan at idinuduyan sa magalaw nitong tubig. Ang langay-langayan naman ay nagpaparaya at hindi nito iniiwan ang dagat lagi siyang nandito atNakikipag-ulayaw kahit nga magkaiba sila. Ganon ang relasyon. Kahit magkaiba kayo ng mga katangian, magkaiba rin ng pagkatao at pananaw ngunit maaari ninyong tanggapin ang bawat isa na walang alinlangan kung kayo ay talagang nagkakaunawaan at may pag-ibig na nararamdaman sa isa’t isa.

Yumuko si Mang Nards at dumakot ng basang buhangin na may kahalong lupa, isinalin sa palad ko.Higpitan mo nga ang hawak sa buhangin Doy. Utos ni Mang nards sa binata. Hinigpitan ko nga ang pagkakapisil sa sandakot na buhangin na ay lupa nag-umalpas ito sa aking palad at halos walang natira. Ang pag-ibig ay ganyan din Buds,Hindi ninyo kailangang hihigpitan ang pagkakahawak sa isa't isa dahil nakakasakal ang sobrang pagmamahal maaaring ikaw o siya ang kumawala. Ngunit huwag naman masyadong maluwag dahil puwede rin itong maging dahilan para humulagpos sa iyong mga palad ang mga butil ng buhangin. Hawakan mo nang katamtaman ang buhangin ipadama mo dito ang init ng iyong mga palad nang may kasamang pag-unawa, pagmamahal at paggalang ito'y mananatili sa kamay mo.Malalim naman po yata ang inyong mga halimbawa Ka Nards. Parang manunula po ba kayo noon? Tudyo ko kay Ka Nards. Alam mo Buds , lahat ng tao ay nagiging makata at manunula kapag umiibig. Ang mga kataga at pangugumbinse sa minamahal di baga parang tula at salitang makata. Kung hindi ka umiibig sasabihin mong katawa-tawa ang mga salitang namumutawi sa isang lalaking nagmamahal ngunit sa dalagang pinatutungkulan nito'y nakakataba ito ng puso. Kaya lang Buds, Kung ano talaga ang iyong nararamdaman ipahayag mo lahat ipadama ng buong puso at walang alinlangan. Huwag kang magsisinungaling sa iyong sarili at sa iyong sininta. Maging matapat ka sa iyong minamahal, ipadama mo ang nararapat, igalang mo siya laging aalalahanin kahit sa maliit na bagay lamang. Huwag ka rin aasa ng kapalit hayaan mo na ibalik niya sa iyo ang ginagawa mo at kung hindi naman huwag kang mag-iisip ng masama. Ang lagi mong itanim sa iyong isip at puso na nagmamahal ka dahil binigyan ka ng pagkakataon na madama ito at maipadama sa iba.Lahat ng taong nakikilala ang pag-ibig at pinapahalagahan ito ay nagiging mapapalad. Ngunit iyong mga tao naman na ginagawa lang itong laruan para sa pansariling kasiyahan ay lagingnasasawi at madalas napapaglaruan hanggang naiiwan nag-iisa.
Nakakataka ka namanparang di mo pa naramdaman ang umibig. Si Ka Nards ulit. Nandito po lagi sa akingpuso ang pag-ibig kaya nga po ako madalas pumupunta dito sa dagat dahil ang dagat po ang aking pag-ibig, ha!ha!ha! sagot ko naman sabay tawa. May mga babae na rin po akong pinag-ukulan ng pagmamahal pero siguro hindi kami ang para sa isa’t isa saka di ko pa naman inilalagay ang sarili ko sa seryosong pakikipagrelasyon noon. Paliwanag ko. Pansin ko kulang ka nang lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili ganon din sa iyong mga hinangaan noon. May nakapagsabi na rin ba sayong babae na mahal ka rin niya? Tanong ni Ka Nards sa akina. Opo, meron na at nararamdaman ko naman po pagmamahal na isinukli niya sa pagtatangi ko. Sagot ko naman bakit ka nagtatanong kung paano ang umibig? Di pa ba sagot ang naramdam mo noon sa tanong mo? Huwag kang patorper – torpe, alam mo bang puwedeng mainis ang babaeng nagmamahal sayo Ang maipapayo ko lang, kapag sigurado ka na mahal mo ang isang tao sabihin at ipadama sa kanya ang iyong nararamdaman huwag sa salita lang. Magkaroon ka nang tiwala na makukuha mo ang loob niya at magiging pareho ang inyong nararamdaman balang araw. Tandaan mo lang na ang salita natin ang ating pagkatao at dito nakasalalay ang ating kredebilidad kaya kapag nagsisinungaling ka hindi ang pinagsisinungalingan mo ang iyong niloloko kundi ang iyong sarili. Naiintindihan mo ba? Hay naku! parang ikaw ako noon magulo, doon nga tayo sa amin at may ipapakita ako sayo. Yaya ni Ka Nards sa akin sa tinutuluyan niyang kuwarto na bigay ng kumpayang pinapasukan niya. habang ginugulo nito ang buhok ko. Maliit lang ang tinutuluyan niya tipikal na kuwarto na makikita mo sa mga bahay ng arabo pero maganda at maayos. Upo ka muna at kukuha ako ng puwede nating mainom. Pumasok ang matanda sa loob ng kusina.

Nang lumabas ito'y may dala-dalang isang pitsel at dalawang baso. Nakarinig ako ng huni ng ibon, tinanong ko siya, me alaga ba kayong ibon? Hindi sumagot si Ka Nards bagkus bumalik ulit sa kusina pagkalapag ng inumin. Bumalik ito sa loob at dala-dala na nito ang isang hawla na may ibong martines ng lumabas.Nabili ko ito sa down town noong isang buwan paliwanag nito. Matabil ito at nakakaaaliw tinuturuan ko itong magsalita at paunti-unti'y nakakatuto naman. Nakakaawa siya di ba? Dapat na sa gubat siya kasama ang kanyang mga kapwa ibon pero nandito siya sa akin at nakakulong . Sa totoo lang binili ko ito hindi para aalagaan kundi para pakawalan. Nararamdaman ko rin ang puwedeng nararamdaman ng ibong ito. Pero bago ko siya pakawalan inalagaan ko na muna siya nang ilang araw nililinis ang hawla at binigyan ng maayos na pagkain saka hinahaplos-haplos ng marahan. Hawakan mo nga ang ibon, Doy. utos ng matanda. Hinawakan ko nga ang ibon di ito nagpipiglas sa aking pagkakahawak na parang palagay na ang loob sa tao . Alam mo Buds, mailap ang martenis na iyan noong unang araw nanabili ko nagwawala sa hawla at takot sa akin. Ngunit sa araw-araw kong paghaplos at pag-alaga nahulog din ang loob ngayon maamo na siya di ba? Malayo ang katangian ng ibon satao kasi memorya lang ang meron sa ibon di tulad ng tao may isip at damdamin. Ngunit kungnapapaamo nga ang ibon at nakakaramdam pagmamahal higit pa ang tao na susukli sayo Kunganong pagpapahalaga ang iyong naitamin para mahalin ka rin niya.Subukan mong pakawalan ang ibon doon sa bintana utos ni Ka Nards. Baka po tuluyan na itong umalis. pag-aalangan ko.Gawin mo muna para malaman mo kung bakit kailangan pakawalan siya. uutos ulit ni Ka Nards. Lumapit ako sa bintana at pinakawalan sa labas ang ibon. Lumipad ito at nagpaikot -ikot muna sa paligid saka lumipad palayo hanggang nawala sa paningin naming dalawa. Wala na po ang martines Mang Nards, basag ko sa katahimikan namin na may panghihinayang sa ibon Huwag kang malungkot inalagaan ko siya at minahal nang tama kung masasagi iyon sa kanyang memorya maaring maantig ang kanyang puso at babalik iyon dito sa akin. Maaaring babalikan lang niya sandali ang kanyang dating pinangalingan pero uuwi din iyon dito dahil hahanap-hanapin niya ang aking pag-aalaga.Pero kung hindi na siya bumalik iisipin ko na mas masaya siya sa kanyang daigdig at kailangan hayaan natin siya.

Huling halimbawa ko yan sayo kung ano ang pag-ibig at kung paano ito ipinapadama. Siguro hindi gaanong maganda ang mga mga halimbawa ko pero kahit papano may makukuha kang ilang ideya.Nakangiti si Mang Nards sa akin. Magtatakipsilim na po pala maraming salamat po sanai-share ninyo sa akin kahit papano nakadagdag yun sa kaalaman ko hayaan ninyo po gagawin ko lahat iyon at pakamamahalin kapag nakapiling ko na ang dagat ng Persia.Aalisin ko po ang mga alinlangan sa aking isipan at laging magtitiwala sa kapangyarihan ng pag-ibig.

Tutuloy na po ako.Pamamaalam ko. Sige Buds, sana maging maligaya kayo at makadaupang palad mo ang dagat. Huling bilin ng matanda habang kumakaway sa binata. Habang binabaybay ko ulit ang gilid ng dagat pabalik sa garahe ng bus namin t wala na ang mga langay-langayan pero dati pa rin ang dagat magalaw at naririnig ko pa ang mga saliw ng alon na salit-salitan humahampas sa break water.Dumakot ulit ako ng buhangin at inilagay sa munting supot na plastic, tamang tama ito bilang alaala.

June 10, 2003 ng lisanin ko ang Al Ahsa huling tanaw ko sa dagat ng Persia habang tumatawid ang shuttle bus ng Gulf Air patungo sa Bahrain kung saan naghihintay ang eroplanong sasakyan ko pauwi sa pilipinas. Bagamat sandali kong iiwan ang dagat na naging inspirasyon ko sa loob ng ilang taon muli ko iton babalikan at susubukang angkinin, hindi ko alam kung kelan pero habang pinaghahandaan ko ang bagay na iyon sandali kong puputulin ang istorya kong ito.

Sumaatin ang pagpapala at patnubay ng Poong Maykapal. Maraming salamat sa pag-aaksaya ninyo kahit konting sandali dahil kahit papaano ay binigyan ninyo ng panahon na basahin ang mga mensahe ko dito sa aking blog.

Naisipan kong isulat ang aking ilang karanasan sa mahigit isang dekada kong pamamasukan sa gitnang silangan. Ang aking mga ala-ala, puna at pag-ibig. Bagamat ang karamihan ay idinaan ko sa kuwento para na rin sa kaaliwan ninyong mambabasa.

Hindi ako bihasa sa pagsusulat kaya sana sa inyong pagbabasa ay makapagdulot pa rin ng kasiyahan ang inyong matutunghayan dito. ......

.....Isinulat ko ang maikling kuwentong ito noong ako ay nasa Saudi Arabia pa halos walong taon na ang nakakalipas. Halaw ito sa tunay na karanasan nang isang lalaking umibig sa isang babae sa Saudi Arabia, puno ng pag-asam pero kabaliktaran ng damdamin ng babaeng minahal niya.
Inilarawan ko lang ayon sa aking nararamdaman sa pamamagitan ng bato, bato sa bundok ng Al Qara, kung saan madalas namin akyatin ni Ali ang kaibigan kong Saudi.


BATO
Al Ahsa 31982 K.S.A. January 2000

Bigla Akong nagising naalimpungatan ako sa ugong ng malakas at malamig na hangin. Tumingin ako sa paligid, madilim pa ang langit ngunit tila nababanaag na rin ang silahis ng haring araw sa bandang silangan sa kabila ng mga kasama kong himbing na himbing sa pagtulog dala na rin siguro nang malamig na panahon. Pumikit ulit ako para sandaling maidlip mahaba - haba pa ang gabi at mamaya babakahin ko na naman ang natitirang init ng tag - araw. Hay! kailan kaya ako makakaalis sa tigang at malawak na disyertong ito, matagal na rin ako dito at halos napag - iiwanan na ako ng mga kasama ko at kaibigan.Sumama sila sa isang trak ng may magtungo ditong mga kalalakihan kailangan daw sila sa kabayanan para sa mga proyektong gagawin.

Nagtago ako noon ayokong mawalay sa aking kinakapitan kaya ako'y napag - iwanan na rin ako ng aking mga kaibigan kasama ang panahon. Balita ko sa mga kaibigan ko'y namimirmihan na sa malalaking gusali at naglalakihang mga bahay sa kabayanan. Naiinggit ako sa kanila pero natatakot naman akong makipagsapalaran. Minsan nagkaroon ng malakas na ulan niyaya ako ng mga kaibigan ko na mamangka at salungatin ang agos pero ako'y natakot ayokong mabagbag o kami ay malubog. Kaya hindi nila ako napilit ngunit bago sila naglayag nag - iwan sila ng mensahe sa akin. Bakit ka matatakot suungin ang agos? ikaw ang bangkero ng iyong buhay hindi ka dapat laging sumasang - ayon sa hangin may panahon na kailangang hanapin mo ang iyong direksyon dahil ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran at bukas, alisin mo ang takot iyan ang sagabal at tunay mong kalaban…

Naputol ang pagmumuni - muni ko nang biglang dumagundong ang malakas na kulog kasunod ang tila sibat na kidlat ang gumuhit mula sa langit. Nakakagulat parang mapupunit ang lupa. Nagkubli ako at nawala ang antok saka ako'y kinabahan. Magtatag –ulan na yata, siyanga pala bumagyo na nang buhangin noong nakaraang linggo tanda iyon ng pagbabago ng panahon.Ngayon, hindi ko naman mawari ang aking nararamdaman wala na ang kaba kanina magkahalong lungkot at saya naman ngayon. Baka ito na ang panahong aking hinihintay para iwanan ko ang lugar na ito, sana, para mabigyang laya ko naman ang aking sarili.Tak! tak! tak! tubig, tumingala ako sa langit na nakabuka ang mga palad. umaambon nasa tapat ko na pala ang malaking ulap kanina sa kanluran nadala ito ng malakas na hangin. Ang mangilan - ngilang patak ay naging malimit hanggang naging basa na ang paligid, sa ganoong sitwasyon namalayan ko na ako pala'y naliligo na sa ulan, parang batang tuwang - tuwa . Nahugasan ang mga dumi at alikabok na bumabalot sa akin, ngayon bumalik ang tunay kong kulay at sigla. Patuloy ang paglakas ang ulan ako namn ay patuloy sa paglulunoy sa mga patak nito hindi ko na namalayan na ako pala'y nakasakay na sa agos, nakabitiw ako sa aking matagal ng kinakapitan .ahh! ngayon malaya na ako matapos ang matagal na panahong pagkakakapit wala na rin ang ulan at ang agos ay dahan – dahan na rin humuhupa kaya ako'y inilapag na rin nito sa tabi at agarang nilisan.

Matinding katahimikan, bago na ang paligid dahan – dahan kong nilingon aking pinanggalingan tila ito'y kumakaway pa sa akin ngunit agad ko rin ibinalik ang aking paningin sa harapan doon maaliwalas ang paligid ang dating tigang na disyerto ay nagsisimula nang maging luntian muling umusbong ang mga halaman at ang mga munting kahoy na halos tinuyo noong nakaraang tag –araw ay muling nanariwa ang kulay. Buhay na buhay ngayon ang kalikasan nanauli ang ganda ng disyerto.Sa ganoong sitwasyon binasag ko ang katahimikan malugod kong binati ang paligid at parang naintindihan nila ako nagyukuran sila at tumingin sa akin kita ko sa kanilang mga mata ang pakikiisa sa aking nararamdaman. Hindi ko napigilan ang aking saliri isinigaw ko ang damdamin na matagal din namahay sa aking dibdib at ngayon gumaan ang akin pakiramdam. Ang lahat ng iyon ay sandali lang ang mga binati ko'y agad nagsibalik sa kani-kanilang ginagawa abala din sila sa kani - kanilang mga sarili. Nakaramdam ulit ako ng pag - iisa pero di natulad nong una wala na'ng pangamba at takot ang lahat ng bagay ay positibo sa bagong lugar na kinaroroonan ko.

Kayang kaya kong harapin ang bukas at ang anumang pagsubok ay nasisiguro kong panandalian lang at kaya kong paglabanan. Ito rin ang magiging sandigan ko para maging matatag sa lahat ng bagay. Dapat patunayan ko na matibay na rin ako tulad nang aking mga kaibigan at dating kinakapitan. Nakaramdam ako nang lamig sa dampi ng hangin, gabi na naman pala. nalibang ako hindi ko namalayan ang nagdaang mga oras sa aking matinding pagmumuni - muni.

Naramdaman ko ang bigat ng mga talukap ng aking mata kaya ako'y nag -inat ng katawan at magaan ang loob na pumikit para matulog. Mahabang sandali ang lumipas. May naulinigan akong nagkakaingay, nananaginip yata ako kaya dali - dali akong nagmulat at hinawi ang nakakumot na buhangin sa akin katawan. Nakakasilaw ang liwanag ng araw magtatanghali na pala. Natanaw ko ang mga kalalakihan na papalapit sa akin. Nakakainis naman sila naistorbo ang tulog ko, bumangon ako't pumuwesto sa daraanan nila gusto kong mapansin. Dumaan ang una, pangalawa, tok! Aray! Loko ang pangatlo sinipa ako buti na lang mabait ang pang - apat nilapitan niya ako at pinulot . Ah! salamat, pero nagkaroon 'ata ako nang bukol. Oy! anong gagawin mo na naman diyan? kung anu - ano na naman baga ang pinag - kakaabalahan mo. Sigaw noong nauunang lalaki doon sa pumulot sa akin. Hindi sumagot ang huli bagkus dinala niya ako at iniuwi.

Hinugasan niya ako ginawan ng supot at may laso pa ang bait naman niya. Pero di ko pa rin maisip kung ano ang gagawin niyas sa akin. Kaya ang tanong ko sa aking sarili, Ano kaya ang ang binabalak niya sa akin? Hindi kaya ibabala ako sa tirador? naku masakit iyon baka mabasag pa ako 'pag tumama sa matigas na bagay. Natigil na naman ako sa pagiisip kinuha niya ako , sumakay kami sa sasakyan at may tinungong lugar may katagpo pala siya doon at magandang babae. pakinggan ko nga ang pinag - uusapan nila pero di ko gaanong marinig malabo nasa loob kasi ako ng maliit na pulang supot na yari sa pranela. Ay salamat inilabas ako noong lalaki at ipinaloloob sa magkadaop nilang mga palad noong babae. Mainit, may ibinulong sila sa akin. Ang sweet naman nila punong -puno ng mga pangarap at pag -asam ngunit sekreto daw ang lahat kaya 'di ko rin sasabihin. Hindi ako makapaniwala, ang isang munting batong tulad ko na napilas sa kapwa bato gawa nang matinding init at lamig ay ginawang saksi sa kahilingin ng dalawang pusong nagmamahalan.

Ako daw ang magsisilbing paalala at pundasyon nila.Sabagay mula nga sa akin ang lahat ng mga sa sangkap para makabuo ng matibay na pundasyon. Ngayon nasisiguro ko na ako ang pinakamasuwerteng bato sa lahat kahit pa doon sa mga kasama kong naging sangkap ng mga nagtatayugang gusali.

WAKAS

Tuesday, August 11, 2009

Regrets



Halos lahat ng tao naiibigay ang matatamis at nakakataba nang puso na mga papuri sa taong namayapa.Nakakalimutan halos ang anumang kamalian na nagawa nito noong ito ay nabubuhay pa at ang bawat salita na binibitiwan ay pawang puno ng mga panghihinayang.


Bakit kaya ganun tayong nabubuhay? hindi kaya panakip butas lang natin ang ganitong reaksyon sa ating pagkukulang o hindi natin lubos na kilala ang taong pinupuri natin o hindi kaya ay nagbubulag-bulagan lang tayo sa katotohanan.
Aanuhin pa nang isang patay ang mga papuri at malakas na pag-iyak at pagtangis, ubusin man natin ang ating mga luha at boses hindi na maibabalik ang kahapon bagkus bahagi na lang ito ng nakaraan.
Paano natin nasasabi na mahal na mahal natin ang isang tao kung noong nabubuhay pa ito ay hindi natin ito napapansin, o ito ay hindi natin naaamutan nang kahit konting pagpapahalaga. Minsan naiisip ko tuloy dalawang bagay ang pagdadalamhati ng namatayan una; Pagkukunwari pangalawa; hindi nito naipadama ang kanyang pagmamahal.


Hindi masama ang lumuha, tumangis at magdalamhati pero kailangan ilagay sa lugar dahil baka imbes na makakuha tayo ng simpatya pangungutya ang ating anihin. At kung may pagkakataon pa para sa ating minamahal, kahit sa simpleng bagay ipadama natin ang ating pagmamahal para mawala man ito sa atin hindi tayo malulungkot at manghihinayang dahil naibigay natin ang ating obligasyon........
Ang dami kong tanong, ang dami kong sintemento pero isa lang ang ibig kong iparating magint totoo tayo sa ating sarili at sa ating kapwa.