Saturday, October 17, 2009

Mga Tanong na Mahirap Sagutin

Halos lahat siguro ng tao ay hindi iniisip ang KAMATAYAN bagama't ito ay nakalaan para sa atin. Sa pagdaan ng mga araw ang isipan ng bawat nilalang ay nakatuon sa mga bagay na pangunahing pangangailangan para mabuhay. Minsan mahirap isipin na habang tayo ay nagpapagal at nauubos ang oras sa pagtatrabaho hindi natin namamalayan na umiiksi ang oras at araw na ilalagi natin sa mundo. Sa patuloy na paglipas ng mga araw bigla natin mararamdaman ang mga panahong pinalampas natin at iyong mga bagay na nais natin magawa at makamit ay napag-iwanan na pala tayo.

Ano nga ba ang pinakamahalaga sa buhay? maraming pera, magandang bahay, maraming anak at mabuting ama o ina? Bagama't ang sagot siguro sa tanong ko ay depende sa kaligayahan natin, depende sa ating kakuntentuhan. Ang natitiyak ko lang ang salapi ay para sa materyal na pangangailangan at kaligayahan, pero ang para sa emosyonal na damdamin ay ang Pag-ibig. Maraming tao ang ikinukubli ang kalungkutan sa huwad na ngiti at halakhak. Pilit na pinagtatakpan ang mga kakulangan sa buhay ng mga naipapakitang materyal na bagay. Ngunit sa kaibuturan nang puso ay may itinatagong lungkot at panghihinayang.
Sabi nang mahirap mapalad daw ang mayaman dahil sagana sa pera at lahat ng bagay ngunit kung titingnan natin pare-pareho lang ang tao mayaman o mahirap ay may problemang hinaharap. Ang mayaman natatakot maghirap samantalang ang mahirap ay nangangarap yumaman. ha!ha!
Kailangan maging masaya tayo sa bawat araw na dumadaan maging maliit at sa simpleng bagay lang, dahil baka bukas at makalawa hindi na natin magawa ang ating nais gawin dahil kinuha na ang hiram nating buhay....

No comments:

Post a Comment