Kahit anong taas pala ng panganorin sa langit ito ay bumababa at humahalik sa lupa. Tulad din ng ulan sa panahon na ito ay bumigat sa loob ng mga panganorin pumapatak ito at nahuhulog din sa kalupaan.
Ganun din ang tao kahit anong taas iisa lang ang hantungan, ang paghimlay sa lupa. Bakit pa tayo magpapagal, bakit kailangan ubusin natin ang oras para sa mga bagay na nagpapabawas ng kaligayahan natin kung sa darating na panahon ay iiwan lang natin ito sa iba? bakit may mga taong sa kabila nang kanilang karangyaan at kasaganaan sa buhay tinitiis ang sarili huwag lang mabawasan ang kayamanan. Masaya siya na nakikita kung ano ang kanyang nakamit pero tingnan mo ang kanyang katawan payat at tila sakitin.
Huwag natin sayangin ang buhay sa mga bagay na akala natin ay ang tunay na kaligayahan, pero sa likod pala noon ay ang pighati at kalungkutan bago natin lisanin ang daigdig. Masakit sa loob na sa oras bago tayo lumisan ay marami tayong tanong at panghihinayang na kahit kailan ay hindi na natin makakamtam.
Lagi kong sinasabi magsaya kahit sa maliit na bagay at huwag kakalimutan na mahalin natin ang ating pamilya dahil sa bandang huli sila ang tatabi sa atin sa oras na sila ay ating kailangan.
No comments:
Post a Comment