Isa pang kasaysayan ng pag-ibig pero puno ng duda at pangarap enjoy po kayo sa pagbabasa....
Ahsa 31982 KSA, March 2003
BUHANGIN
Alas singko noon ng hapon malamig ang simoy ng hangin sa tabing dagat ng Al Khobar nakaupo ako sa malaking tipak ng bato habang nakalubog sa tubig dagat ang aking dalawang paa, magandang pagmasdan ang mayuyuming alon na walang sawang humahampas sa break water. Tanaw na tanaw ko ang mahabang tulay na nag-uugnay sa Bahrain at Saudi Arabia. Ilang beses ko na rin natawid ang tulay na ito lulan ng bus. Sa Bahrain kasi ako sumasakay ng eroplano kapag umuuwi ng Pilipinas.Nakaagaw pansin sa akin ang ilang langay langayan na walang sawang palipad – lipad sa ibabaw ng dagat habang ang iba ay biglang bubulusok para sumila ng maliliit na isda. Naiisip ko kung puwede lang akong makisakay sa likod ng mga langaylangayan makikisuyo ako na ilipad at dalhin sa kabilang ibayo ng dagat.
Ang dagat ng Persia ang madalas kong pasyalan sa loob ng apat na taon kong pagtatrabaho sa silangang bahagi ng Saudi Arabia. May kalayuan ang lugar na pinagtatrabahunan ko katabing probinsya ito ng Al Khobar at mahigit limandaang kilometro ang layo. Namamasukan ako bilang EDP clerk sa isang malaking agricultural company sa Al Ahsa. Hindi ko pinapalipas ang mga pagkakataon na me biyahe ang aming shuttle bus sa Al Khobar . Ang pagpunta sa tabing dagat ng Persia ay nakakawala nang aking pagod at pangungulila sa tinubuang bayan.Ang pakiramdam ko’y nakakaisa ko ang kalikasan.Malaking bahagi ng buhay ko ang dagat ng Persia ito ang naging inspirasyon ko para mapaglabanan ang lungkot na nadarama ng tulad naming manggagawa na nakikipagsapalaran dito sa gitnang silangan. Bagamat ang dagat ng Persia ay walang pinag-iba sa ibang dagat talagang naging espesyal ito sa akin Matagal kong pinangarap na ito ay Makita at makadaupang palad. Maarok ang lalim at mapakinggan ang awit na likha ng mga alon nito. Ang dagat ang nagturo sa akin para maging positibo at mangarap na ang imposible ay maging posible. Ngunit ang dagat din ang nagpaunawa sa akin na kailan man mahirap itong maangkin dahil ang dagat ay para sa lamang sa karagatan na higit na malaki kesa sa kanya…
….Pebrero, 2003 pa ng huling tumambay ako sa dagat ng Al Khobar at tandang tanda ko pa huling araw na iyon.Habang nagmumuni-muni ako ay may biglang kumalabit sa akin. Hoy! andito ka pala ?Madalas kitang Makita dito paborito mong tamabayan ang dagat. Si Ka nards, Kaibigan ko at madalas kong nakakatagpo doon malapit lang ang tinutuluyan niya dito. Bagamat magkaiba kami ng probinsya pareho kaming Bicolano. Dalawampu't tatlong taon ang agwat niya sa akin pero naging matalik kong kaibigan si Ka Nards. Dalawampu't pito pa lamang ako noon at siya naman ay singkuwenta y dos. Medyo mukhang bata pa ito, masayahin ang mukha at kayumanging kaligatan ang kulay dala na rin siguro sa klima sa tabing dagat.Kayo pala Mang Nards, ngiti ko sabay sagot. namimiss ko po ang lugar na ito alam ninyo naman po ito ang takbuhan ko kapag gusto kung magrelaks. Habang inaabot ang patpat sa buhangin sabay pukol sa dagat. Bumuntong hininga ako at nagtanong, kay Ka Nards, Ano po ba ang nararamdaman kapag umibig? Nagulat ang matanda. Himala sa sa edad mong iyan di mo pa nararanasan ang umibig. Ha! ha! ha!. napatawa ito sa tanong ko.Hindi ako eksperto sa bagay na iyan ngunit ang relasyon ay tulad ng langay-langayan at dagat. Sambit ni Mang nards. Bakit po ninyo nasabi? pagtatakang tanong ko. Buddy, Magkaiba ang dagat at langay-langayan ngunit sila ay iisa. Inaalagaan ng dagat ang langay-langayan binibigyan ng pagkain pinapaliguan at idinuduyan sa magalaw nitong tubig. Ang langay-langayan naman ay nagpaparaya at hindi nito iniiwan ang dagat lagi siyang nandito atNakikipag-ulayaw kahit nga magkaiba sila. Ganon ang relasyon. Kahit magkaiba kayo ng mga katangian, magkaiba rin ng pagkatao at pananaw ngunit maaari ninyong tanggapin ang bawat isa na walang alinlangan kung kayo ay talagang nagkakaunawaan at may pag-ibig na nararamdaman sa isa’t isa.
Yumuko si Mang Nards at dumakot ng basang buhangin na may kahalong lupa, isinalin sa palad ko.Higpitan mo nga ang hawak sa buhangin Doy. Utos ni Mang nards sa binata. Hinigpitan ko nga ang pagkakapisil sa sandakot na buhangin na ay lupa nag-umalpas ito sa aking palad at halos walang natira. Ang pag-ibig ay ganyan din Buds,Hindi ninyo kailangang hihigpitan ang pagkakahawak sa isa't isa dahil nakakasakal ang sobrang pagmamahal maaaring ikaw o siya ang kumawala. Ngunit huwag naman masyadong maluwag dahil puwede rin itong maging dahilan para humulagpos sa iyong mga palad ang mga butil ng buhangin. Hawakan mo nang katamtaman ang buhangin ipadama mo dito ang init ng iyong mga palad nang may kasamang pag-unawa, pagmamahal at paggalang ito'y mananatili sa kamay mo.Malalim naman po yata ang inyong mga halimbawa Ka Nards. Parang manunula po ba kayo noon? Tudyo ko kay Ka Nards. Alam mo Buds , lahat ng tao ay nagiging makata at manunula kapag umiibig. Ang mga kataga at pangugumbinse sa minamahal di baga parang tula at salitang makata. Kung hindi ka umiibig sasabihin mong katawa-tawa ang mga salitang namumutawi sa isang lalaking nagmamahal ngunit sa dalagang pinatutungkulan nito'y nakakataba ito ng puso. Kaya lang Buds, Kung ano talaga ang iyong nararamdaman ipahayag mo lahat ipadama ng buong puso at walang alinlangan. Huwag kang magsisinungaling sa iyong sarili at sa iyong sininta. Maging matapat ka sa iyong minamahal, ipadama mo ang nararapat, igalang mo siya laging aalalahanin kahit sa maliit na bagay lamang. Huwag ka rin aasa ng kapalit hayaan mo na ibalik niya sa iyo ang ginagawa mo at kung hindi naman huwag kang mag-iisip ng masama. Ang lagi mong itanim sa iyong isip at puso na nagmamahal ka dahil binigyan ka ng pagkakataon na madama ito at maipadama sa iba.Lahat ng taong nakikilala ang pag-ibig at pinapahalagahan ito ay nagiging mapapalad. Ngunit iyong mga tao naman na ginagawa lang itong laruan para sa pansariling kasiyahan ay lagingnasasawi at madalas napapaglaruan hanggang naiiwan nag-iisa.
Nakakataka ka namanparang di mo pa naramdaman ang umibig. Si Ka Nards ulit. Nandito po lagi sa akingpuso ang pag-ibig kaya nga po ako madalas pumupunta dito sa dagat dahil ang dagat po ang aking pag-ibig, ha!ha!ha! sagot ko naman sabay tawa. May mga babae na rin po akong pinag-ukulan ng pagmamahal pero siguro hindi kami ang para sa isa’t isa saka di ko pa naman inilalagay ang sarili ko sa seryosong pakikipagrelasyon noon. Paliwanag ko. Pansin ko kulang ka nang lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili ganon din sa iyong mga hinangaan noon. May nakapagsabi na rin ba sayong babae na mahal ka rin niya? Tanong ni Ka Nards sa akina. Opo, meron na at nararamdaman ko naman po pagmamahal na isinukli niya sa pagtatangi ko. Sagot ko naman bakit ka nagtatanong kung paano ang umibig? Di pa ba sagot ang naramdam mo noon sa tanong mo? Huwag kang patorper – torpe, alam mo bang puwedeng mainis ang babaeng nagmamahal sayo Ang maipapayo ko lang, kapag sigurado ka na mahal mo ang isang tao sabihin at ipadama sa kanya ang iyong nararamdaman huwag sa salita lang. Magkaroon ka nang tiwala na makukuha mo ang loob niya at magiging pareho ang inyong nararamdaman balang araw. Tandaan mo lang na ang salita natin ang ating pagkatao at dito nakasalalay ang ating kredebilidad kaya kapag nagsisinungaling ka hindi ang pinagsisinungalingan mo ang iyong niloloko kundi ang iyong sarili. Naiintindihan mo ba? Hay naku! parang ikaw ako noon magulo, doon nga tayo sa amin at may ipapakita ako sayo. Yaya ni Ka Nards sa akin sa tinutuluyan niyang kuwarto na bigay ng kumpayang pinapasukan niya. habang ginugulo nito ang buhok ko. Maliit lang ang tinutuluyan niya tipikal na kuwarto na makikita mo sa mga bahay ng arabo pero maganda at maayos. Upo ka muna at kukuha ako ng puwede nating mainom. Pumasok ang matanda sa loob ng kusina.
Nang lumabas ito'y may dala-dalang isang pitsel at dalawang baso. Nakarinig ako ng huni ng ibon, tinanong ko siya, me alaga ba kayong ibon? Hindi sumagot si Ka Nards bagkus bumalik ulit sa kusina pagkalapag ng inumin. Bumalik ito sa loob at dala-dala na nito ang isang hawla na may ibong martines ng lumabas.Nabili ko ito sa down town noong isang buwan paliwanag nito. Matabil ito at nakakaaaliw tinuturuan ko itong magsalita at paunti-unti'y nakakatuto naman. Nakakaawa siya di ba? Dapat na sa gubat siya kasama ang kanyang mga kapwa ibon pero nandito siya sa akin at nakakulong . Sa totoo lang binili ko ito hindi para aalagaan kundi para pakawalan. Nararamdaman ko rin ang puwedeng nararamdaman ng ibong ito. Pero bago ko siya pakawalan inalagaan ko na muna siya nang ilang araw nililinis ang hawla at binigyan ng maayos na pagkain saka hinahaplos-haplos ng marahan. Hawakan mo nga ang ibon, Doy. utos ng matanda. Hinawakan ko nga ang ibon di ito nagpipiglas sa aking pagkakahawak na parang palagay na ang loob sa tao . Alam mo Buds, mailap ang martenis na iyan noong unang araw nanabili ko nagwawala sa hawla at takot sa akin. Ngunit sa araw-araw kong paghaplos at pag-alaga nahulog din ang loob ngayon maamo na siya di ba? Malayo ang katangian ng ibon satao kasi memorya lang ang meron sa ibon di tulad ng tao may isip at damdamin. Ngunit kungnapapaamo nga ang ibon at nakakaramdam pagmamahal higit pa ang tao na susukli sayo Kunganong pagpapahalaga ang iyong naitamin para mahalin ka rin niya.Subukan mong pakawalan ang ibon doon sa bintana utos ni Ka Nards. Baka po tuluyan na itong umalis. pag-aalangan ko.Gawin mo muna para malaman mo kung bakit kailangan pakawalan siya. uutos ulit ni Ka Nards. Lumapit ako sa bintana at pinakawalan sa labas ang ibon. Lumipad ito at nagpaikot -ikot muna sa paligid saka lumipad palayo hanggang nawala sa paningin naming dalawa. Wala na po ang martines Mang Nards, basag ko sa katahimikan namin na may panghihinayang sa ibon Huwag kang malungkot inalagaan ko siya at minahal nang tama kung masasagi iyon sa kanyang memorya maaring maantig ang kanyang puso at babalik iyon dito sa akin. Maaaring babalikan lang niya sandali ang kanyang dating pinangalingan pero uuwi din iyon dito dahil hahanap-hanapin niya ang aking pag-aalaga.Pero kung hindi na siya bumalik iisipin ko na mas masaya siya sa kanyang daigdig at kailangan hayaan natin siya.
Huling halimbawa ko yan sayo kung ano ang pag-ibig at kung paano ito ipinapadama. Siguro hindi gaanong maganda ang mga mga halimbawa ko pero kahit papano may makukuha kang ilang ideya.Nakangiti si Mang Nards sa akin. Magtatakipsilim na po pala maraming salamat po sanai-share ninyo sa akin kahit papano nakadagdag yun sa kaalaman ko hayaan ninyo po gagawin ko lahat iyon at pakamamahalin kapag nakapiling ko na ang dagat ng Persia.Aalisin ko po ang mga alinlangan sa aking isipan at laging magtitiwala sa kapangyarihan ng pag-ibig.
Tutuloy na po ako.Pamamaalam ko. Sige Buds, sana maging maligaya kayo at makadaupang palad mo ang dagat. Huling bilin ng matanda habang kumakaway sa binata. Habang binabaybay ko ulit ang gilid ng dagat pabalik sa garahe ng bus namin t wala na ang mga langay-langayan pero dati pa rin ang dagat magalaw at naririnig ko pa ang mga saliw ng alon na salit-salitan humahampas sa break water.Dumakot ulit ako ng buhangin at inilagay sa munting supot na plastic, tamang tama ito bilang alaala.
June 10, 2003 ng lisanin ko ang Al Ahsa huling tanaw ko sa dagat ng Persia habang tumatawid ang shuttle bus ng Gulf Air patungo sa Bahrain kung saan naghihintay ang eroplanong sasakyan ko pauwi sa pilipinas. Bagamat sandali kong iiwan ang dagat na naging inspirasyon ko sa loob ng ilang taon muli ko iton babalikan at susubukang angkinin, hindi ko alam kung kelan pero habang pinaghahandaan ko ang bagay na iyon sandali kong puputulin ang istorya kong ito.

No comments:
Post a Comment