
Halos lahat ng tao naiibigay ang matatamis at nakakataba nang puso na mga papuri sa taong namayapa.Nakakalimutan halos ang anumang kamalian na nagawa nito noong ito ay nabubuhay pa at ang bawat salita na binibitiwan ay pawang puno ng mga panghihinayang.
Bakit kaya ganun tayong nabubuhay? hindi kaya panakip butas lang natin ang ganitong reaksyon sa ating pagkukulang o hindi natin lubos na kilala ang taong pinupuri natin o hindi kaya ay nagbubulag-bulagan lang tayo sa katotohanan.
Aanuhin pa nang isang patay ang mga papuri at malakas na pag-iyak at pagtangis, ubusin man natin ang ating mga luha at boses hindi na maibabalik ang kahapon bagkus bahagi na lang ito ng nakaraan.
Paano natin nasasabi na mahal na mahal natin ang isang tao kung noong nabubuhay pa ito ay hindi natin ito napapansin, o ito ay hindi natin naaamutan nang kahit konting pagpapahalaga. Minsan naiisip ko tuloy dalawang bagay ang pagdadalamhati ng namatayan una; Pagkukunwari pangalawa; hindi nito naipadama ang kanyang pagmamahal.
Hindi masama ang lumuha, tumangis at magdalamhati pero kailangan ilagay sa lugar dahil baka imbes na makakuha tayo ng simpatya pangungutya ang ating anihin. At kung may pagkakataon pa para sa ating minamahal, kahit sa simpleng bagay ipadama natin ang ating pagmamahal para mawala man ito sa atin hindi tayo malulungkot at manghihinayang dahil naibigay natin ang ating obligasyon........
Ang dami kong tanong, ang dami kong sintemento pero isa lang ang ibig kong iparating magint totoo tayo sa ating sarili at sa ating kapwa.
No comments:
Post a Comment