Sumaatin ang pagpapala at patnubay ng Poong Maykapal. Maraming salamat sa pag-aaksaya ninyo kahit konting sandali dahil kahit papaano ay binigyan ninyo ng panahon na basahin ang mga mensahe ko dito sa aking blog.
Naisipan kong isulat ang aking ilang karanasan sa mahigit isang dekada kong pamamasukan sa gitnang silangan. Ang aking mga ala-ala, puna at pag-ibig. Bagamat ang karamihan ay idinaan ko sa kuwento para na rin sa kaaliwan ninyong mambabasa.
Hindi ako bihasa sa pagsusulat kaya sana sa inyong pagbabasa ay makapagdulot pa rin ng kasiyahan ang inyong matutunghayan dito. ......

.....Isinulat ko ang maikling kuwentong ito noong ako ay nasa Saudi Arabia pa halos walong taon na ang nakakalipas. Halaw ito sa tunay na karanasan nang isang lalaking umibig sa isang babae sa Saudi Arabia, puno ng pag-asam pero kabaliktaran ng damdamin ng babaeng minahal niya.
Inilarawan ko lang ayon sa aking nararamdaman sa pamamagitan ng bato, bato sa bundok ng Al Qara, kung saan madalas namin akyatin ni Ali ang kaibigan kong Saudi.
BATO
Al Ahsa 31982 K.S.A. January 2000
Bigla Akong nagising naalimpungatan ako sa ugong ng malakas at malamig na hangin. Tumingin ako sa paligid, madilim pa ang langit ngunit tila nababanaag na rin ang silahis ng haring araw sa bandang silangan sa kabila ng mga kasama kong himbing na himbing sa pagtulog dala na rin siguro nang malamig na panahon. Pumikit ulit ako para sandaling maidlip mahaba - haba pa ang gabi at mamaya babakahin ko na naman ang natitirang init ng tag - araw. Hay! kailan kaya ako makakaalis sa tigang at malawak na disyertong ito, matagal na rin ako dito at halos napag - iiwanan na ako ng mga kasama ko at kaibigan.Sumama sila sa isang trak ng may magtungo ditong mga kalalakihan kailangan daw sila sa kabayanan para sa mga proyektong gagawin.
Nagtago ako noon ayokong mawalay sa aking kinakapitan kaya ako'y napag - iwanan na rin ako ng aking mga kaibigan kasama ang panahon. Balita ko sa mga kaibigan ko'y namimirmihan na sa malalaking gusali at naglalakihang mga bahay sa kabayanan. Naiinggit ako sa kanila pero natatakot naman akong makipagsapalaran. Minsan nagkaroon ng malakas na ulan niyaya ako ng mga kaibigan ko na mamangka at salungatin ang agos pero ako'y natakot ayokong mabagbag o kami ay malubog. Kaya hindi nila ako napilit ngunit bago sila naglayag nag - iwan sila ng mensahe sa akin. Bakit ka matatakot suungin ang agos? ikaw ang bangkero ng iyong buhay hindi ka dapat laging sumasang - ayon sa hangin may panahon na kailangang hanapin mo ang iyong direksyon dahil ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran at bukas, alisin mo ang takot iyan ang sagabal at tunay mong kalaban…
Naputol ang pagmumuni - muni ko nang biglang dumagundong ang malakas na kulog kasunod ang tila sibat na kidlat ang gumuhit mula sa langit. Nakakagulat parang mapupunit ang lupa. Nagkubli ako at nawala ang antok saka ako'y kinabahan. Magtatag –ulan na yata, siyanga pala bumagyo na nang buhangin noong nakaraang linggo tanda iyon ng pagbabago ng panahon.Ngayon, hindi ko naman mawari ang aking nararamdaman wala na ang kaba kanina magkahalong lungkot at saya naman ngayon. Baka ito na ang panahong aking hinihintay para iwanan ko ang lugar na ito, sana, para mabigyang laya ko naman ang aking sarili.Tak! tak! tak! tubig, tumingala ako sa langit na nakabuka ang mga palad. umaambon nasa tapat ko na pala ang malaking ulap kanina sa kanluran nadala ito ng malakas na hangin. Ang mangilan - ngilang patak ay naging malimit hanggang naging basa na ang paligid, sa ganoong sitwasyon namalayan ko na ako pala'y naliligo na sa ulan, parang batang tuwang - tuwa . Nahugasan ang mga dumi at alikabok na bumabalot sa akin, ngayon bumalik ang tunay kong kulay at sigla. Patuloy ang paglakas ang ulan ako namn ay patuloy sa paglulunoy sa mga patak nito hindi ko na namalayan na ako pala'y nakasakay na sa agos, nakabitiw ako sa aking matagal ng kinakapitan .ahh! ngayon malaya na ako matapos ang matagal na panahong pagkakakapit wala na rin ang ulan at ang agos ay dahan – dahan na rin humuhupa kaya ako'y inilapag na rin nito sa tabi at agarang nilisan.
Matinding katahimikan, bago na ang paligid dahan – dahan kong nilingon aking pinanggalingan tila ito'y kumakaway pa sa akin ngunit agad ko rin ibinalik ang aking paningin sa harapan doon maaliwalas ang paligid ang dating tigang na disyerto ay nagsisimula nang maging luntian muling umusbong ang mga halaman at ang mga munting kahoy na halos tinuyo noong nakaraang tag –araw ay muling nanariwa ang kulay. Buhay na buhay ngayon ang kalikasan nanauli ang ganda ng disyerto.Sa ganoong sitwasyon binasag ko ang katahimikan malugod kong binati ang paligid at parang naintindihan nila ako nagyukuran sila at tumingin sa akin kita ko sa kanilang mga mata ang pakikiisa sa aking nararamdaman. Hindi ko napigilan ang aking saliri isinigaw ko ang damdamin na matagal din namahay sa aking dibdib at ngayon gumaan ang akin pakiramdam. Ang lahat ng iyon ay sandali lang ang mga binati ko'y agad nagsibalik sa kani-kanilang ginagawa abala din sila sa kani - kanilang mga sarili. Nakaramdam ulit ako ng pag - iisa pero di natulad nong una wala na'ng pangamba at takot ang lahat ng bagay ay positibo sa bagong lugar na kinaroroonan ko.
Kayang kaya kong harapin ang bukas at ang anumang pagsubok ay nasisiguro kong panandalian lang at kaya kong paglabanan. Ito rin ang magiging sandigan ko para maging matatag sa lahat ng bagay. Dapat patunayan ko na matibay na rin ako tulad nang aking mga kaibigan at dating kinakapitan. Nakaramdam ako nang lamig sa dampi ng hangin, gabi na naman pala. nalibang ako hindi ko namalayan ang nagdaang mga oras sa aking matinding pagmumuni - muni.
Naramdaman ko ang bigat ng mga talukap ng aking mata kaya ako'y nag -inat ng katawan at magaan ang loob na pumikit para matulog. Mahabang sandali ang lumipas. May naulinigan akong nagkakaingay, nananaginip yata ako kaya dali - dali akong nagmulat at hinawi ang nakakumot na buhangin sa akin katawan. Nakakasilaw ang liwanag ng araw magtatanghali na pala. Natanaw ko ang mga kalalakihan na papalapit sa akin. Nakakainis naman sila naistorbo ang tulog ko, bumangon ako't pumuwesto sa daraanan nila gusto kong mapansin. Dumaan ang una, pangalawa, tok! Aray! Loko ang pangatlo sinipa ako buti na lang mabait ang pang - apat nilapitan niya ako at pinulot . Ah! salamat, pero nagkaroon 'ata ako nang bukol. Oy! anong gagawin mo na naman diyan? kung anu - ano na naman baga ang pinag - kakaabalahan mo. Sigaw noong nauunang lalaki doon sa pumulot sa akin. Hindi sumagot ang huli bagkus dinala niya ako at iniuwi.
Hinugasan niya ako ginawan ng supot at may laso pa ang bait naman niya. Pero di ko pa rin maisip kung ano ang gagawin niyas sa akin. Kaya ang tanong ko sa aking sarili, Ano kaya ang ang binabalak niya sa akin? Hindi kaya ibabala ako sa tirador? naku masakit iyon baka mabasag pa ako 'pag tumama sa matigas na bagay. Natigil na naman ako sa pagiisip kinuha niya ako , sumakay kami sa sasakyan at may tinungong lugar may katagpo pala siya doon at magandang babae. pakinggan ko nga ang pinag - uusapan nila pero di ko gaanong marinig malabo nasa loob kasi ako ng maliit na pulang supot na yari sa pranela. Ay salamat inilabas ako noong lalaki at ipinaloloob sa magkadaop nilang mga palad noong babae. Mainit, may ibinulong sila sa akin. Ang sweet naman nila punong -puno ng mga pangarap at pag -asam ngunit sekreto daw ang lahat kaya 'di ko rin sasabihin. Hindi ako makapaniwala, ang isang munting batong tulad ko na napilas sa kapwa bato gawa nang matinding init at lamig ay ginawang saksi sa kahilingin ng dalawang pusong nagmamahalan.
Ako daw ang magsisilbing paalala at pundasyon nila.Sabagay mula nga sa akin ang lahat ng mga sa sangkap para makabuo ng matibay na pundasyon. Ngayon nasisiguro ko na ako ang pinakamasuwerteng bato sa lahat kahit pa doon sa mga kasama kong naging sangkap ng mga nagtatayugang gusali.
WAKAS

No comments:
Post a Comment